here are my posts in m friendster blog.just transfering stuffs coz im not going to use it anymore and hopefully you won't read it coz it's a bit long. start.
========================================
June 18, 2007
ANG SIMULA NG LAHAT
Ikukwento ko sa inyo kung pano kami nagkakilala ni Leizl Isla. Ang aking BF kuno! Hahaha.
Around middle-days of April 2006 nag-text saken ang kaibigan kong si Jenilyn gamit ang phone ni Zhel.. Ka-text ko lang si Jhen at bigla na lang na hindi na sya nag-reply sa mga messages na sinesend ko, till I sent the message saying this, "Hoy babae! Hindi ka na ba marunong gumamit ng cellphone huh? Mag-reply ka naman!" then, still walang response. About 10minutes past my phone suddenly made a beeping sound. May text galing dun sa number na gamit ni Jhen.. I read it, "Wala na si Jhen e, tinawag na ng tita niya, alam mo naman.." I replyed "Ahh.. Thanks po!!"
Naalala ko, sayang unli ko kasi wala namang nag-tetext saken.. So i asked her kung pwede ko ba syang maka-text then she said yes.. So dun na nag-start yung pagiging close namin. From the start alam ko na bi-female sya and in any case wala talaga akong pakelam dun. Nalaman ko na ka-text nya yung classmate ko na si Joan Carl. Mas close sila kumpara samin. Malamang, mas nauna silang mag-kakilala e. Hindi talaga kami ang mag-katext madalas, sila lang talaga ni Joan. That time wala akong pakelam.
Tapos, by the end of April, sa tulong ng patext- text, i knew her na kahit pano and napalait na rin ako sa kanya, ewan ko sya.. Malay ko ba?! Then yung pinaka-moment kung bakit mas naging close kami si nung tumawag sya saken na hindi naman talaga ako yung tatawagan nya kundi si Joan.. Unexpectedly kasi hindi pwedeng tawagan si Joh kasi umeepal yung kapatid nya kaya no choice na talaga. She sent me a message, "Pwede ka bang makausap?", binasa ko.. Akala ko sa text lang kami mag-uusap kaya sabi ko ok lang. Later on nag-ring yung phone ko!! Muntik pang bumagsak dahil nagulat talaga ko! Sinagot ko yung phone and kahit hindi pa kami nag-kikita I realized na cute sya in a way na napapatawa nya ko kahit through call lang and nag-kulitan lang kami sa phone..
After that night that she called me parang mas naging ok sya, sinasabi nya kung ano nangyari sa kanya, kung nakauwi na ba sya, kung san sya pupunta and sasabihin ko naman ingat sya and pakasaya lang. Friends lang talaga, no questions ask.
Then May 7, 2006, magkausap kaming dalawa, nag-kukulitan the usual, she asked me a question..:
LEIZL: Trip mo ba ko?
(in my mind: trip? na ka-text?)
PRINCESS: Oo naman!! Why?
LEIZL: Talaga? So, tayo na?
PRINCESS: Huh?! Ganun ka-bilis? Wala man lang ligawan portion?!
LEIZL: Wala kasi akong niligawan sa mga naging GF ko e.
PRINCESS: Hindi ka naman mayabang nyan??
LEIZL: Talaga naman e.
PRINCESS: Pwedeng pag-isipan ko muna?
LEIZL: Sige..
PRINCESS: Tulog na ko, bukas na lang.
LEIZL: Ok.. Good night.
So.. Sobrang SHOCKINGS ang pakiramdam ko!! Ikaw ba naman di ba? Kaso alam ko na kasi na masarap mag-mahal ang mga katulag nya.. You know why? Kasi yung very close na tita ko na mahal na mahal ko nagkaroon ng relationship with a lesbian and I swear na iba talaga sila mag-mahal.. Kahit sa family, iba talaga..
Kinabukasan May 8, 2006 she asked me again tungkol dun sa napag-usapan namin kagabi, I said YES! So everything went well, we called each other "BHEB" pa dati. Since hindi pa nga kami nagkikita kinabukasan May 9, 2006 nagkita na kami kasama si Jhen, ang dahilan sa aming pakakakilala. Wala pa kaming pinagsasabihan nuon na kami na, private daw kasi ang gusto nya sa love life nya, ang OA no?! Walang kaalam-alam si Jhen na kami na. Hirap pa nga sya na i-introduce kami sa isa't isa e, nakakatawa dahil wala nga syang alam. Tapos nung nalaman nya na kami na (kasi sinabi din ni Zhel sakanya) malakas na mura ang narinig ko dahil hirap na hirap daw siya na i-introduce kami sa isa't isa yun pala sya yung OP samin the rest of the day.
Yan ang simula and the rest is history. Na-legal kami nung May 27, 2006.
Hopefully 1year and 1month na kami ngayon and sana tumagal pa. Haaay.. Sarap pag may nagmamahal sayo ng tunay. =)
========================================
June 17, 2007
ARAW NG LINGGO
kamusta naman yun.. haaayy.. kaarawan ng papa ko ngayon, sana nga masaya kaso hindi pa rin. wala namang bago dun di ba? the usual, maghihiwalay na daw [na naman] sila, madadamay na naman yung mga tao na wala naman talagang pakialam sa buhay nila at ang intensyon lang e makatulong samin.
kasi hanggang ngayon walang pagbabago sa buhay namin. hindi ko na nga masabi sa BF ko na ganito na naman yung nangyayari kasi hindi na naman ako papansinin nun and kahit pa pansinin ako nun hindi naman nya patitibayin ang loob ko, lalo lang nya kong ida-down. Isa pa kasing abnormal yun e.
pero nandyan sya, kahit hindi nya alam na may problema ako napapasaa nya ako. masaya ako pag kasama ko sya, masama ba yun? lagi ko kasi syang kasama this summer vacation e, ang saya naman kasi. besides, wala pa naman akong klase kaya okay lang naman siguro yun di ba? si mama naman lumalaklak lang, ano kayang satisfaction ang nakukuha sa pag-inom ng alak everyday? ma-try nga. hehehehe.
ampanget lang ng araw ko, hindi ako nakapag-simba. huhuhuh. bad yun. tsk tsk tsk. si mama kasi pinauwi ako dahil lang i-load ko daw sya. sosyal!! hindi na ata marunong mag-lakad nanay ko.. magsama na lang sila ng ****** ***** lalakeng yun. hahahahaha.
superman saan ka na? i've been waiting for you long enough. save me PLEASE!!
========================================
June 04, 2007
ANG ENROLLMENT.. BOW
kanina maaga akong nagising mga 6am ata yun, kasi mag-eenroll na nga daw ako sabi ni mama.. ang aga ko naman nagising kaya inaantok na ko ngayon. kung baga na-excite ata yung utak ko kaya maagang nagising.
6am pagkagising ko, inutusan akong bumili ng pandesal. 20php pa nga yun e.. napadaan ako sa school ko.. janjanjaran!! TORRES HIGH! grabe, 7am ang pasok nung mga bata 6am nasa labas na sila ng gate! ang dami ngang students e, buti pa sila masipag.. kasi habang tinititigan ko sila isa-isa at habang inaamoy ko ang mga pabangong sumasalubong saken e napaisip ako, sabi ko sa sarili ko.. "siguro kung dito pa rin ako nag-aaral at ganitong 7am ang oras pasok ko, malamang hindi lang ako 6am papasok! siguro mga 8am na kasi tulog pa ko ng 7am e, tutal malapit lang naman tong torres sa bahay.." hahahaha.. tae no?! ganyan ako kasipag, buti nga natanggap pa ko sa sec.2 e. minsan hindi ko pa pinapasukan klase ko para lang matulog sa bahay. hehehe.
oh tapos umuwi na ko nakabili na ko ng pandesal. umakyat ako sa taas, muni-muni muna kasi akala ko mabilis lang ang bawat minuto sa orasan, kaso mali pala ko.. tumingin ako sa oras 7am na, tapos pag-tingin ko ulet 7am pa rin! ang tagal tagal kong tumunganga tapos walang pagbago sa oras. feeling ko isang oras na yun.
tapos 8am tumawag ako sa pag-eenrolan ko,tinanong ko kung pwede pa. pwede pa naman daw sabi ni kuya sa admissions office kaya ligo agad ako. tapos si mama naman.. sa bilis ng pagligo ng mama ko mga 8:10am xa nagsimula mag-ayos natapos sya 9am. ang bilis di ba?! tapos umalis na kami agad kasi may pasok pa ng tanghali mga kapatid ko.
sa jeep, ang traffic sa sta. cruz! tae talagang lugar yun! ewan.. may history kasi dun e, the usual sa past na naman.. yaan mo na. tapos pag dating dun sa gate ng school tanong agad kay manong guard. register tapos sa admission kami..taena ang daming finill-up-an!! haaayyy!! tapos bayad kay aling treasurer tapos punta kay kuya schedule tapos akyat sa pagkataas taas na 4th floor ng building para sa DOTIC office at para ma-meet naman si kuya id picture and digital signature. kakatuwa yung sa signature, kala ko walang tinta digital pala.. sa pc na mismo lumalabas yung pirma. tapos yung picture kuhang webcam lang. hahahah.. pero ok na yun kahit mukang hagard ako. nyah!
pagkauwi naabutan namin mga kapatid ko nagwawala.. kala nila late na sila. pano ba sila male-late e 10am palang bihis na sila tapos klase nila 12nn pa! sus!! mga alertong bata.. haayy..
antok na ko, kapagod kasi. babalik pa ko dun, kwentuhan ko kayo ulet. mwah!
========================================
May 26, 2007
SADYA BANG MAGULO?
hayy.. abnormal na naman ako. kanina kasi napagalitan ako ng mokong na si leizl about the family problem we have. tae. tama nga sya, its been years na at still wala akong nagagawa. para akong retarded na naghihintay at umaasa na one day dadating si superman at isa-save nya ko sa sitwasyon na to.
whoever is superman sana nga makatulong sya. siguro nga oras na sa pagbabago, besides, hindi ko na rin naman masikmura na alam kong ginaganon na lang ng nanay ko ang tatay ko e. tama nga rin ang BF ko. hindi tama na magbulag bulagan na lang ako sa lahat ng bagay na nakapaligid saken. dapat masabi ko sa sarili ko na kahit konti, may nabago rin naman ako sa pesteng pamilyang to.. sana lang hindi na magpauto ang dakila kong ama na hindi mo malaman kung napapano na ba sa bansang natuntungan nya.
buysit lang kasi feeling ko lahat na nawawala saken. una syempre family ko. dahil dun nga sa problema namin pati yung napapadalas na away namin ni mama. pangalawa sa sobrang busy ni kolokoy leizl hindi na din nya ko maasikaso and turns out ako dapat ang magasikaso at magintindi sa kanya.. kaya kapag kailangan ko sya hindi nya ko maasikaso or madali syang magalit kasi pagod nga si mokong. tapos yung mga siopao ko naman na kaibigan hindi ko na rin maintindihan this past few days.. parang tuliro din yung mga mokong. yung isa sa revenge nya sa ex nya. yung isa naman sa bagong friends nya ang yung isa naman sa jowa nya..
natural we have our own different lives na kailangan din naman naming kaharapin di ba? hindi naman pwede na anytime and anywhere e kasama at karamay ko sila..
kasama ko lang ngayon si GOD. infairness laking tulong nya.. haaay.. buti nga nakasama ko sya e. at least may napagsasabihan ako ng mga problema ko. hayy.. sabi ko nga sa sarili ko. kaya ko pa to. pero pano kung hindi na?.. wala na sigurong makakaalam..
========================================
May 12, 2007
ANNIVERSARY NAMIN [MAY 8, 2007]
wala lang.. kasi nung mga panahon na to nanood kami ng sine. spiderman 3. kaya ako nawili sa palabas na to kasi si zhel ang tukso ko sa kanya ay spiderman. wala lang. pangalan pa nga nya yun sa phonebook ko dati e.
pumunta kami sa mall, kagigising lang nya, nakakatawa. tapos nung nasa SM na kami pumunta kami sa supermarket para bumili kami ng food. last na pumunta kasi kami dun 250php na yung popcorn. hahah. ang mahal! ang dami na kayang pwedeng mabili dun. tapos dapat pala surprise yun, nadaldal lang nya. dapat daw bibili muna sya ng ticket tapos sa gabi na lang daw namin papanoorin, buti na lang hindi natuloy kundi wala na kaming upuan na inabutan. pati maaga pa lang kasi dumating na ko sa tindahan nila kaya hindi na rin ako nasurprise ni mokong.
habang nanonood kami wala lang. cuddles dun, cuddles dito. ang ganda ng film!! lalo na nung naging black spiderman na si toby ang gwapo ng dating! rockista chong!! hahahaha.. kakainlove. galing din ng visual effects nila, sobra lalo na yung kay sandman.. galing angas!
after the movie pumunta kami sa department store, may nakita kaming chocolate flowers. ang cute cute nya!! 3pcs in a box. gusto nya kong bilan pero ayoko kasi nahihiya ako sa kanya.
pati kapag binili nya yun hindi ko naman kakainin yun e, hindi naman ako kumakain ng chocolate pati idi-display ko na lang yun. hehehe.. hay.. ang saya talaga namin together.. sana kayo rin..
========================================
May 11, 2007
MARCH 22. AKING KAARAWAN
alam ko masyado ng late to kasi may 11, 2007 na tapos march 22 pa din kwento ko. pasensya na kasi tinamad ako mag-post nung araw ng aking kaarawan.
nung nasabing petsa ako ay 100yrs old na. sa wakas!! kala ko hindi na dadating ang araw na ito. buti dumating. potek! naaalala ko pa nung araw na to wala akong pera!! hindi ko man lang nalibre ang aking barkada!! ampness.. sinabayan pa ng potek na practice namin ng graduation. buong araw kaming nag-martsa.. madaling araw pa lang dapat nag-lalakad na. tae!! buti na lang at napatawa ako ng aking mga minamahal na kaibigan kabalitaan at kakampi. nabawasan din ang aking ka-buysit busitang araw. pag kauwi ko sa bahay, nadatnan ko si mama na may pansit sa kamay, natural nasa pinggan yung pansit. wala lang.. ang sarap nung pansit. uu.. dapat natikman mo kaso ubos na kanina e. tiniran pa naman kita. pag dating ng gabi sinundo ako ni zhel. sya ang gumawa ng paraan para maging masaya ang sirang araw ko. bumili sya ng pagkain. andox, pansit, inumin tapos yung alak. marami din yun. at marami rin kaming kumain, puro mga taga almeda. ang saya, lalo na nung nag iinuman na kami.. kwentuhang lasing na ang naganap noon. tapos inabutan kami ng ulan habang umuulan, mas masaya yun!! kumuha kami ng sako tapos pinang taklob namin. dalawang sako yung kinuha namin dalawa kaming grupo. sa unang grupo ay si michael at si julius. sa ikalawa ay si nene, zhel at ako. para kaming mga timang. sa lahat ng nakakita samen ang tanong na aming naririnig ay:
"ganyan ba trip nyo pag lasing na kayong lima?"
ayos di ba?? nung ambon na lang ang tumutulo sa kalangitan umuwi na ko kasi 11 pm na nun. tae ang gulo talaga namin.. tapos?.. tapos.. hinatid ako ni zhel at ni nene sa bahay, habang naglalakad ay nagsalita na naman yung syota kong magaling na nakainom.. kinuwento nya kay nene na naseselos pa ko kay aiko. ganito pa nga pagkakasabi nya o:
"ne, pakinggan mo to. tong si cess nagseselos pa rin kay aiko hanggang ngayon, lagi ko naman sinasabi na wag na syang magselos kasi kung tutuusin mas malaki nagagawa nya kesa dun.. lagi syang nasa tabi ko kahit ano mangyari pati legal kaming dalawa. sinabi ko naman sa kanya na wala na kong hahanapin makulit talaga."
tapos lumingon sya sken. sabi:
"wag ka na magselos ney kasi wala rin naman patutunguhan. mahal kita e."
buti nakarating na kami sa bahay kasi tinatamaan na ko ng husto. haaay.. ayon. labo no?! wala e. ganun talaga!!
=======================================
April 13, 2007
BOOH!
nagulat ka kasi ngayon lang ako nagblog ulet noh?ako rin e.madaming araw na din ang lumipas ng mapagtanto ko na tama na muna ang text twist at magbrowse muna sa internet.update kita sa pangyayari sa buhay ko ah..kung ayaw mo click mo yung x sa upper right corner ng srceen tapos magpakamatay tayong lahat.kung gusto mo naman wag ka ng ano at basahin mo na lang kahit konti lang naman kukwento ko..oh eto na!!
SUNDAY[april 8, 2006]- ano meron?wala lang,monthsary namen ng bf ko,11th monthsary,oh,ano naman?!tanong mo?wala nga lang e.kasi masaya ung araw na yun,nakalimutan ko lang kung bakit..paxenxa na may memory gap ako e.
MONDAY[april 9, 2006]-umalis kami ng family ko papunta sa dasma cavite kasi maliligo kami sa volets resort na ilang beses ko na atang napuntahan at wala silang sawa sa pagpunta dun.umalis kami sa house ng 6am para magsundo ng kung sino sinong nilalang..hehe.peace.tapos umalis kami papunta sa lugar na yun ng 7am.astig sa biyahe ni hindi manlang ako nakatulog kahit tahimik yung loob ng van.dala ko si hailey yung teddy na binigay ni leizl saken nung valentines day.dun yun sa pic ko.pagkadating don naligo na ko.wala pang mga ilang minuto umahon ako kasi ayoko umitim.taeng vincent nilaglag ako sa pool..naligo na lang ako.nawala pa nga ung bracelet na binigay saken ni zhel..haizt.ok lang kahit hindi naman ako nagenjoy..pagkatapos ko umahon e natulog na lang ako hanggang sa ginising ako para umuwi na.nakauwi kami ng mga 7pm ata un,awa ni papa God eto umitim ako.buti ngayon at natatanggal tangal na.
TUESDAY[april 10, 2006]- oh..eto.dito kami nagkita ng bf ko.ang ganda nga ng pasok nia sakin e..ganito pa nga yun oh.."anu ba yan,maitim ka na nga umitim kapa!daming daming negra!!.."sabon ang lola mo.akala mo nuknukan ako ng itim sa personal no?hindi naman.,exagurated lang tong mokong nato.tapos kinuha namin yung phone ni tatay,nakailang balik kami nun kasi puro may back job yung phone.ewan ko ba,nawala kasi yung motorola L6 ni zhel e,kaya yung 6210 yung gamit niya.
oh ano ba to,tinamad na ko.so kapag sinipag na lang ako ulet ah..puntahan ko pa si bf e.wala lang,nagkatampuhan kasi kahapoh,kagabi pala pero nakapagusap kami..tama na,next time naman ah.close mo na ung window.hehe.see yah!!
========================================
March 27, 2007
GRADBALL.WAPAK!
ang poga nung gradball namin kagabi..hindi sya ganun kasaya pero dahil your with your friends syempre masaya.haha!!
nung una wala akong gana,pati mga berks ko kasi ampoga nung tugtog,taktak mo yung una,sinayawan ko naman kaso parang kasawa na kasi lagi ko na naririnig..ng di kinalaunan aba!sumaya na kasi wala na din naman kami magagawa kundi makijamming sakanila,last na un e,kaya dapat hindi KJ.
ampoga ni jhen,nung narinig nya yung kanta sakanya ni paul muntik na umiyak naalala ko yung mascara nya sa mata kaya pinatahan na namin,baka kumalat,magaya pa sya kay rika..
tapos sa sobrang kabaliwan namin pinasok namin yung CR ng mga boys!ang saya grabe,todo pictorial kami.muntik pa ngang hindi matulo yun kasi may teacher,buti na lang umalis sya agad..tapos may dalawang kuya na muntik ng mauna na pumasok samen sa CR inunahan na namin,pinalabas namin sila tapos kami pumasok.ang galing namin,may pic kami na nakatayo dun sa urine area nung CR,para kaming mga sira.matagal na naming balak yun e,buti natuloy.tignan nyo yung mga pic namin sa friendster ko pati sa multiply ko ung site nasa profile ko puntahan mo ah?para bati tayo.oh tapos nagpapicture kame kasama mga kaklase namin.
ang wirdo nung principal namin na si BARNEY kasi nakisayaw samen sa harapan!oh astig!!tapos may teacher pa na naghuhubad ng damit niya,si dr.tavios ata yun e.
syet nga e,kung kelan nageenjoy ako sa pictorial tsaka naman nalowbatt yung cam ko.haizt.badtrip talaga!11pm uwian na,grabe ang bilis ng oras,parang wala lang..nagpatugtog ng many last songs,ang kulit nung DJ e,yaan mo na sya!
sinundo ako ni zhel,natatae na ata.joke!!labyu!!naku yun!muka daw akong nirape e lahat ng nakasayaw ko,may crush saken pati mga kaklase ko tuwang tuwa sa attire ko samantalang sya ang poga hindi nag-agree.tae talaga yun kahit kelan.ang sarap nung sopas sa solis,bibili ulit ako.haha.1am na ko nakauwi.ayun,nanalo naman kahit pano.hay..yoh!!
========================================
March 26, 2007
GRADUATION DAY!
such a long time since nung last blog ko no?ewan ko ba,bigla kasi akong tinamad kahit na wala naman akong ginagawa.i think its been 1month na din..
anyway,kanina is our graduation day.ang saya,wala kang mararamdaman na hasel except na mainit lang naman ng konti.hindi nga dumating yung guest speaker namin na tae,si mayor lito atienza,inuna nya kasi yung anak niya na si ali para sa kandidatura nun,as said of the dep-ed supervisor chair na si ms.luisa quiniones.
the program went well,in fairness yung mga mali na lyrics nung song natama nila,i mean namin,may konting mali din kami.kaasar kasi thanks to you yung kanta,kinaiinisan ko na naman kasi naalala ko nung umiyak si leizl kasi narinig nya yung kanta and said to me na yun yung kanta sakanya ni aiko.oh di ba?haizt.pero wala na kasi akong magagawa about dun and matagal na din naman nangyari yun wala pa ata kaming 1month.
naliligaw na yung graduation,balikan natin.nandun si mama,hindi ako sanay kasi usually kapag recognition or graduation ko si papa yung kasama ko kahit madalas syang tulog sa gilid.namimiss ko na nga yun e.hay..si gizelle nakakamiss at yung iba din.lahat sila mamimiss ko.
grabe nga ko magpicture taking kahit hindi ako kasama makita ko lang sila na may pic sa cam ko e para na kong tanga.ahaha.naku,mamimiss ko yung mga pasaway kong teacher!!si mam marcellana, mam novenario, si BARNEY! at hi git sa lahat e si MAM SANTOS!!sayang wala syang pic saken..
TO MY FELLOW GRADUATES, CONGRATS.. LETS TAKE THIS OPPORTUNITY TO GRASP MORE EXPERIENCE BEYOND OUR HIGHSCHOOL LIFE.ILOVEYOU ALL!!
========================================
December 20, 2006
KAGAGUHAN.LANG
kala ko sobrang badtrip buong araw ko,hindi naman pala.taeng araw,magtatagalog na ko,di naman masama eh.
start of my day was nice,nagkita kami ng honey coh tapos walang klase sa buong skul.then nag internet na lang kami ni marika at ni jenelyn.umuwi na kasi si gzel pati si angelie.tawanan ulet hanggang 4pm.wait namin si paul tapos umalis ako para makita ulet honey coh.
it was great,i had alot of laughs and a reason ng kinabadtrip ko is ung tungkol dun sa pagseselos portion ko with her ex that i cant mention the name.i talked to that girl na and she seems nice naman,magkasundo naman kami.but yet di mo maaalis na un ung taong minahal ng sobra ng taong mahal mo ngaun,sa palagay ko nga di na mawawala sa kanya ung love na un.basta,mei kurot pa rin na nag-aadya na magselos ako ng sobra na nauuwi sa inis at galit.but in the end,nagsorry ako kay honey coh and we talked about it and it seems na its ok na but im telling you hindi pa rin talaga.
anyways,back to the story board.pumunta ako kina gzel ng mga bandang 8pm,bumalik pa kami sa haus ko dahil nakalimutan ko ung bag na bababuyin namin at susulatan.then bumili sya ng siopao at ako naman eh bumili din,ung natatanging kaligayahan ko,ang lugaw,ha..ha...then after eating at gzels haus,she started to write lyrics of our songs in my bag,the same thing she did with hers only we have different lyrics/songs.ang tagal din bago matapos kaya tinignan namin ung regalo niang hausing ng cp para saken,kala ko eh this is it!pero it isnt it pla.,kla ko mapapalitan na ung hausing ko di pa pala.pano ba naman lahat palpak!ung isa hindi gumagana ung keypad,ung isa naman may wasak sa gilid!sayang,maganda pa nman ung dalawa...pero ok lang.
tignan nio sa photos ko nung pics nung bag and nung hausings..umuwi ako mga bandang 10:30pm na,kasi nag sound trip pa kami dun sa laptop ni gzel na wasak ung LCD.pag kauwi diretso sa kwarto at upo sa pc.thats the end.
========================================
if you read this post then congrats,your the only one did it.

1 comment:
top [url=http://www.c-online-casino.co.uk/]casino bonus[/url] coincide the latest [url=http://www.casinolasvegass.com/]casino online[/url] manumitted no store bonus at the foremost [url=http://www.baywatchcasino.com/]no put bonus
[/url].
Post a Comment